Edgar Reyes
Author of Laro sa baga
Works by Edgar Reyes
Tagged
Common Knowledge
There is no Common Knowledge data for this author yet. You can help.
Members
Reviews
Sa loob lamang ng 15 taon (1959-1973), ayon kay Edgardo M. Reyes sa paunang salita, ay nakapagsulat sya ng humigit-kumulang 300 istorya. Ang 14 na naririto sa koleksyon ng Sa Aking Panahon ay di nya tinuturing na "gintong ani". Ngunit parang ganun na nga sapagkat may pangkalahatang motibo ang pagkakapili ng mga istorya sa aklat na ito. Ang bawat isa ay nagpapaalaala sa kanya ng isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay. O di kaya nama'y pumapaksa ng kanyang pag-unlad bilang baguhang show more manunulat ng kwento hanggang sa isang ganap na kinikilalang nobelista.
May kanya-kanyang awtobiograpikal na introduksyon ang mga napiling istorya, kung kaya parang 2-in-1 ang kinalabasan. Bukod sa mga kuwentong talaga namang mataas ang antas sa letrang Filipino, mababasa rin ang kwento ng pag-usbong ng isang manunulat mula sa kanyang pinagmulan hanggang sa pag-usbong ng kanyang karera sa larangan ng panitikan.
Sa maiikling sanaysay ni Reyes ay mababasa ang pulitika ng pagsusulat sa kanyang kapanahunan. Kasama rito ang mga editoryal na makinasyon sa likod ng magasing Liwayway, ang pagsali nya sa mga patimpalak ng nasabing magasin at ng Gawad Palanca, at ang kanyang relasyon sa mga kasabayan at inabutan nyang manunulat katulad nila Liwayway Arceo, Roger Sicat, A. C. Fabian, at Ricky Lee. Hitik sa mga tsismis ang mga prologo ng bawat kwento.
Pinatutunayan ng aklat na si Reyes ay isang maestro sa larangan ng maikling kuwento.
Hindi lamang sa aspetong teknikal masasalat ang kanyang galing. Masusi, madamdamin ang pagninilay ng kwento sa masalimuot na sitwasyong kinasangkutan ng mga tauhan. Ang kwento nila ay kwento ng pagtutuos sa kapalaran ng mga walang-wala o ng mga nawawala. Sila ang kadalasang mga agrabyado sa buhay, mga dukha, mga "maliliit na tao."
Mahirap humanap ng paborito dito. Halos lahat ay may espesyal na kalidad. Pero kung pipilipitin ang braso ko at sapilitang papiliin, ang gumuhit ng malalim sa aking damdamin at isipan ay: "Lugmok na ang Nayon", "Si Ama", "Kung Saan Tubo", "Daang-Bakal", "Ang Bahay na Iyon", "Paalam sa Isang Kaibigan", at "Ang Gilingang Bato". Halos kalahati. Sabi nang mahirap e. Kung sinasabing di pa sila maituturing na "gintong ani", ibig sabihin sa 300 kuwento ni Reyes ay marami-rami pa ang naghihintay lamang na maimprenta at mabasa!
Namumukadkad ang natural na galing ni Reyes sa pagtudla ng puso at isip. Inaamin nya na dala ng praktikal na konsiderasyon ang pagkakasulat nya ng ilang kwento. Naroong tapusin nya ang isang kwento sa magdamag para lamang may makain ang pamilya. Masasabing nagsimula sya bilang stereotipikal na hunger artist na dahil sa angking talento at diskarte ay nagsimulang magtagumpay.
Makikita agad sa mga una nyang kwento ang simpatya sa mga kawawa ng lipunan. Sa "Buhay" at "Isang Balutang Pansit", mapagtatanto ang simbolismo ng pansit bilang "buhay", katulad ng kinaugaliang paghahanda ng pansit tuwing may kaarawan. Ang pansit ang syang papatid ng gutom at kahirapan ngunit ang isang balot nito ay pansamantala lamang. Marami pang hibla ng pansit ang kailangan para maisalba ang buhay hikahos.
Sa "Lugmok na ang Nayon" maaaninag ang tila parasitismo ng lungsod sa mga kayamanan ng nagdarahop na nayon. Isang bagay na patuloy na naoobserbahan sa ngayon sa kasagsagan ng materyalismo at kapitalismo, kung saan ang kapaligiran ng mga bayan-bayan ay patuloy na pinagkukunan ng mga hilaw na materyal para gamitin ng mapagsamantalang mga tao sa lunsod.
Ang mga kwentong "Si Ama" at "Ang Gilingang Bato" ay pareho namang kakikitaan ng pagpupunyagi ng mga magulang na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Hindi sumusuko ang magulang para sa kapakanan ng mga anak. Sila ang di-matatawarang ehemplo ng katapatan, ng di-matitinag na prinsipyo. Ang pagtanaw naman ng utang na loob ng mga anak ay hindi talaga sasapat sa kadakilaan ng huwarang ama at ina.
Nakakalungkot isipin na tila hindi na laging ganun ang kalakaran ng pamilyang Pilipino. Parang hinahamon na ng modernong pamumuhay ang ilang kaugaliang nakagisnan na natin. Katulad ng walang pakundangang pagbasag ng isang dayuhan sa mahika ng pamahiin at tradisyon ng baryo sa "Ang Bahay na Iyon".
Bagamat patuloy ang tunggalian ng makabago at makalumang panahon, nananaig sa mga karakter ni Reyes ang likas na ugaling hindi sumuko sa laban. Pilit na itinitindig ng mga karaniwang manggagawang tauhan (sa "Daang-Bakal", "Orasan", at iba pang nabanggit) ang di matatawarang pagyakap sa prinsipyong hindi nga nakakain ngunit bumubusog ng kaluluwa.
Ang mga tema ng kuwento sa koleksyong ito, ang kanilang kabuuan at konektadong epekto, ay nagtatanghal sa estado ng pamilya at lipunang Pilipino sa panahon ni Reyes. Hanggang ngayon ay masasabing nananatili ang nobena at nobela ng nagbabagong panahon at tradisyon. Sa ganang kanya, naipahayag ni Reyes ang isang uri ng "kapangahasang manggiba ng balag ng tradisyon" nang hindi sinasantabi ang dignidad ng indibidwal, at pinagdidiwang pa ang kanilang katapatan.
Katapatan. Iyan ang ugaling ipinamamalas ng mga tauhan ni Reyes sa Sa Aking Panahon. Tila hindi lamang pag-asenso sa buhay kundi pambihirang katapatan ang tangi nilang adhikain at syang literal na bumubuhay, nagbibigay-buhay sa kanilang pagkatao. Bagamat ang mga tauhan ay tila hinahatulan ng kapalaran, sinusubsob ng kahirapan, at ginugupo ng mapanikis na pagkakataon, katapatan ang sya nilang mahigpit na pinanghahawakan. Isang katapatang hindi naluluma ng panahon. Katapatang lubos na pinagkaloob ng isang totoong taong manunulat. show less

Statistics
- Works
- 12
- Members
- 34
- Popularity
- #413,652
- Rating
- 5.0
- Reviews
- 1
- ISBNs
- 16
- Languages
- 2